Sa buong buhay ko ng pagco-commute, ngayon lang ako nahirapan ng ganito..
Naranasan ko ng mawalang ng cellphone’s’, mahulugan ng pera, madukutan, mawalan ng wallet at ni piso walang natira, maghintay sa Blumentritt ng rescue mula sa mga kaibigang na pauwi rin, makamiss ng major exams dahil walang masakyan sa umaga, mangambang maFA sa LAHAT ng PE na pinasukan at sa BAWAT 1st subjects ng BAWAT semester, magkamali ng sinasakyan, maligaw, at kung anu-ano pang kamalasan na naidudulot ng aking katangahan, kabobohan at kapabayaan.
Pero ‘yung nangyari nung Huwebes, iba yon.. Hindi ako natanga o kung ano pa man, pinilit ko lang tlaga makauwi at eto ang nangyari:
Originally, wala naman kasi kami dapat pasok ng Thursdays.. Pero pumunta pa rin kami ng UST, madami kasing gawain na dapat tapusin(pero hindi ko na iisa-isahin, dahil hindi naman yan ang aking dapat banggitin)..
Thomasian Welcome walk din dapat nung Thursday (June 23, 2011) pero dahil sa hindi magandang panahon, cancelled ang nasabing walk. Ang nangyari, sabi nga nila, Thomasian Welcome Swim. :))
Nasa UST na ako ng bandang mga 2 something (nababadtrip sa bwisit na dulot ng globe, hindi maka send, late maka receive ng messages).. Nasuspend ang class ng mga 4. Mag library kami dapat para manghiram ng libro at pumunta sa ED TECH, pero hindi na kami pinapasok dahil sabi nung guard, suspended na nga raw.. So ganon, suspended na rin sa library.
Between 5:30 and 6, jan kami naghiwalay ni Cess, sa V. Concepcion street. Ako, papuntang Laong-laan at si Cess naman, sa España. Bago pa man kami maghiwalay, malakas na ‘yung ulan pero hindi naman namin alam na sobrang baha na pala.. Na pressure kaming umuwi na dahil sa kinauupuan namin, ang dami ng ipis na nagsusulputan at mga dagang nanghihina na sinusubukan ng maghanap ng mas tuyo na matataguan..
Inabot ako ng mahigit isang oras sa pagfifigure-out kung paano ko lulusungin ang baha at paano ako makasasakay dahil naka pantaloon ako, at hindi ko tantsado ang lalim ng tubig.. Nag-obserba ako ng mga dumadaan, hanggang tuhod LANG pala.. oo, lang, dahil dun sa may Dimasalang bridge, hanggang bewang na ng matangkad na tao, so sa katulad kong di masyadong binigyan ng height, kayo na bahala mag figure out..
Edi ayon na nga, GM ditoo, GM doon.. Umaasag may makakapagbigay sa akin ng saklolo.. Kaso ang mga nagsisireply, kung hindi stranded din ay nasa malayong lugar. (hindi naman ako totally stranded, dahil sinagupa ko ang lakas ng ulan at taas ng baha)
May mga kaibigan akong totally stranded at kinabukasan na nakauwi, may nagkasakit sa jeep, medaling araw na nakauwi at nagwalkathon mula sa school niya hanggang sa kayang lakarin ng mga paa niya. Dahil jan, napatunayan kong, hindi lang ako ang kasalukuyang nahihirapan, kaya mas nagkaroon ako ng pag-asang kayanin ang pagsubok na ito.
Isa to, sa mga naisend ko sa aking mga butihing kaibigan habang nakisilong ako ng limang minuto sa Hapag:
Gumapang na ipis sa katawan
Malalaking dagang naghahabulan
Bahang hindi makatarungan
Wala pang masakyan
Ang hirap ng aking kalagayan
Ano pa ba ang aking dapat maranasan?
Ako kaya’y makararating pa sa paruruonan?
Para san pa’t ginawa ang dapitan?
-isang GM na walang hanggan
Oo, sa kasamaang palad, ginapangan ako ng ipis. Sobrang nagwala ako.. Nakakahiya, pero hindi ko talaga mapigilan.. Ayoko sa insektong ‘yun. Bakit kasi ang dami nila? Pero nung huli, wala na ako nagawa.. Lumusong ako sa baha, kasama sila.. May bonus pang mga daga. :(
Matapos ang isa’t-kalahating oras ng pag-iisip at paghihintay ng masasakyan.. Ayun, kulang nalang lumangoy, pero nakasakay na ako! Umandar ito, mga sampung segundo.. Tapos..
Tila tumirik ang aking sinasakyan at napako sa kanyang kinalalagyan. Buti na lang dala ko at may baterya ang aking cellphone na nagsilbing aking libangan, dahil ang mga kapwa ko pasahero’y walang sawang nagtititigan.
Samantalang ako, eto kaharap ang cellphone kong napaglumaan na nang panahon. Walang ginawa kundi mag obserba, kung may ngumiti, binabalik ko lang ang ngiti nila.. Pero di ko inakalang pati paghikab ay nakakahawa na. Pero sa totoo lang, inaantok talaga ako, hindi lang ako makatulog dahil natatakot ako sa kadahilanang hindi ko maipaliwanag.
Sa aking pag mamasid, eto ang aking napuna: si ateng taga FEU na bangs lang ang basa, si kuyang ginawang hairstyling gel ang tubig ulan, si bebeboy na walang ginawa kundi titigan at sukatin ang haba ng kanyang kuko, si lolong patingin-tingin lang sa labas at pamaya-maya’y may kangitian na, si ateng tinakpan na lang ang kanyang mukha ng panyo hanggang siya ay makatulog.
Mga marereklamo, si kuyang halos mabali na ang leeg sa kaiiling na akala mo naman ay may magagawa ang kanyang pag-iling sa pag-ayos ng daloy ng trapiko. O isa pato, palatak ng palatak wala rin namang magagawa.
Nagdarasal, nakapangalumbaba, nakikinig ng musika, nagkakamot ng ulo, nagbabasa, nagtititigan.
Ayan sila, mga kapwa ko pasahero sad jeep byaheng Laong-Laan – Blumentritt. Amoy baha na ako(paki imagine na lang po ang amoy baha).
Ginhawang hindi maipagkakaila
Nang umandar na kahit mabagal pa
Kitang-kita ng aking mga mata,
Sasakyang buhol-buhol at salasaliwa
Ito marahil ang dahilan kung bakit kami’y tumirik sa gitna.
Pinoy nga talaga, nakita nang nagkakagulo, nakikiosyoso pa.
Pero konti lang ang ginalaw namin, akala ko magtutuloy-tuloy na.. Sa may dangwa huminto, dun talaga nagtagal.. Si manong driver sigaw pa ng sigaw na “maglakad na lang kayo!” nung una’y walang gumagalaw sa mga pasahero pero pa isa-isa, may mga bumabaha at nagsusubok maglakad..
Sa paglisan ng ilan sa mga mga pasaherong sakay ng jeep, napapalitan ito ng panibagong tao.. May iba pa nga.. Nagbayad.. paglipas ng ilang minute, bumaba at naglakad na lang ulit..
Paunti-unti, nakarating sa malapit may dimasalang bridge (hindi ko alam ‘yung exactong street).. Dun talaga malalim ‘yung baha.. Pero umikot kami.. mejo malalim, pero di siguro kasing lalim dun sa iniwasan namin..
San kami umikot? Hindi ko alam, basta pumasok lang sa mga street street sa lugar dun. (poor geography skills, mahina talaga ako sa direksyon) Hanggang nakarating na kami sa may La Loma.. Dun na kami pinababa, kasi traffic pa kung hihintayin naming makarating pa ng Blumentritt e may mga dumadaan naman na jeep pa Nova dun..
So there! *after 3hours, nakasakay din ako pa Nova!* mas naging smooth ‘yung byahe, hindi traffic.. Nakarating ako sa bahay ng safe, basa, at pagod ng mga 11++.
Naalala ko, sabi nung ibang prof at estujanteng higher years nung freshman pa lang ako, magiging Certified kang Thomasian kung naranasan mo ng mabaha..
Nakaligtas man ako kay Ondoy, hindi naman ako pinatawad ni Falcon.. Salamat pa rin kung ganon, dahil at least, naranasan ko ‘yung hirap pero still, nag survive ako kahit mag-isa lang ako sa aking paglalakbay ng gabing na Falcon ako. :)